Hindi ito para sayo; Huwag kang assuming

Akala ko talaga nung una, madali lang magsulat kapag Tagalog na ang ginamit ko, pero hindi din pala. Mas mahirap pa pala. Sa totoo lang, mas nahihirapan akong ilabas lahat ng sama ng loob ko kapag nagtaTagalog; hindi ba isa na itong senyales na tila unti-unti na akong nagiging… traydor? Hmm. TRAYDOR. Ni hindi nga ako sigurado kung Tagalog nga talaga yung salitang yun eh. Ano nga ba yun? Espanyol? Hindi ba’t banyaga din yun? Pati itong gadyet na gamit ko, galing din ng ibang bansa. Hindi ko lang kasi lubos maisip na pati mga social-networking sites na ginagamit natin araw-araw eh puro pagi-Ingles. Katulad ko, ni hindi ko nga maihayag ang nararamdaman ko gamit ang wikang Tagalog eh. Pati nga itong website na pagpapalimbagan ng articolong ito, banyaga din. Articolo… syempre hindi din ako sigurado kung orihinal nga bang termino nating mga Filipino yun. Pero yung totoo, hindi naman ako against sa foreign stuff (I told you). HAHAHA. Obserbasyon ko lamang ang mga ito dulot na din ng mga nakaraang araw na puro nga-nga lang ang nagawa ko maghapon, magdamag.

Ang saklap ng mga nasa balita sa mga panahon ngayon ano? Patayan here, patayan there, patayan everywhere. Pero mas masaklap talaga nitong nagdaang Linggo! Ay. Dios Mio! Nakakalungkot lang isipin na sa mga pagkakataong ito, ni gobyerno walang nagawa para hawakan ang nangyari. Halos lahat ay sabay-sabay na nagdasal para sa kaligtasan ng sambayanang Filipino. Masakit lang naman kasing isipin na ang isang katulad ko ay wala ding nagawa para sa bayan (naks). Pero seryoso, aminin kayo din ay na-guilty! Siguro kapag mayroon pang dadating na mas (huwag naman sana) malawakang delubyo eh wala na din tayong lahat magagawa upang tuluyan itong puksain. Pero I’ve got a feeling, yes, a feeling na baka pwede pa natin itong pigilan. Eh kasi, ang daming naman talagang UFO (Unidentified Floating Objects) noong mga panahon na naging Splash Island ang Luzon! Isa nga din pala sa aking obserbasyon eh ang pagdating pala ni Habagat na tila naging surprise shower-party for almost everyone! Mukha ba tayong hindi naliligo? Ang saya-saya pa natin habang ina-anunsyo na kanselado ang mga pasok, yun pala may kasunod na chenna na mangyayari. This is just so sad. Pero syempre, kagaya ng lahat ng pagsubok na naibigay na ng Nag-bigay, yakang-yaka lahat yan!

Kung sa pagtapon ng basura kung saan-saan eh nagkaisa at tinatamaan ang lahat ng tao sa Pilipinas at sa buong mundo, sa pagpigil at pagpuksa pa kaya nito? Oh well, sana nga talaga eh wake-up call lang ito ni Lord para sa atin at para sa mundo.

Well, reaching this point of my blog will surely prove you that this is just a random sheet. Ikaw kasi, basa-basa ka pa eh. Sorry, wala lang kasi talaga akong magawa eh! Ha-ha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s